Umabot na sa 69 Overseas Filipino Workers (OFWs), Philippine National Police officers at indibidual mula sa mga high-risk industries ang nasuri na gamit ang rapid anti-body test kits at sinailalim sa swab ang kanilang mga specimens sa nagpapatuloy na Covid-19 testing dito sa lungsod ng Dagupan sa nakalipas na dalawang araw.

Ang mga specimens ay ipapadala sa Philippine Red Cross at Department of Health para sa processing gamit ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test, ang tinaguring “gold standard” sa pagsusuri para sa Covid-19.

Ito ay alinsunod sa malawakang programa ni Mayor Marc Brian Lim para sa libreng Covid-19 testing sa lungsod para matukoy ang mga positive cases, at nang sila ay mai – isolate at magamot nang maiwasan na kumalat ang Covid-19 virus .

--Ads--

Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 6,000 katao ang sumailalim sa libreng expanded Covid-19 testing program ng lungsod mula pa noong Marso 2020.

Sinabi ni Mayor Lim na magpapatuloy ang expanded testing sa lungsod hangga’t wala pang bakunang lumalabas para sa Covid-19.