Mahigit P300,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa matagumpay na buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa barangay Dilan Paurido sa lungsod ng Urdaneta.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay P.Lt.Col Vicente Castor Jr., Chief of Police ng Urdaneta City PNP, nahulihan ng humigit kumulang 10 pakete ng shabu na may bigat na halos 50 gramo ang maglive-in partner na kinilalang sina Datumaas Casan at Solaisa Mayaman, parehong tubong Marawi City, Lanao del Sur at kanilang kasabwat na si Aguinaldo Jovito, residente ng Barangay Pugaro sa bayan ng Balungao sa kasagsagan ng buy bust operation.

Dagdag pa ni hepe na aabot sa mahigit kumulang P300,000 ang street value ng nasamsam na iligal na droga.

--Ads--

Nahulihan naman ang kasamahan ng maglive-in partner ng 3 pakete ng kaparehong droga at nang kapkapan ay narekober ang isang unit ng baril na caliber 45 pistol na na naglalaman ng isang magazine na mayrong limang live ammunition at iba pang drug paraphernalia.

P/Lt.Col Vicente Castor Jr., Chief of Police – Urdaneta City PNP

Sinampahan na ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek habang hiwalay na kaso pa ang kakaharapin ng suspek na si Aguinaldo Jovito dahil sa paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms.

Salaysay ng hepe na 10 araw pa lamang nangungupahan ang maglive-in partner sa naturang barangay kung saan pinatayuan ito ng sari-sari store at nagbebenta patago ng iligal na droga.

Napag-alaman din sa pagtatanong ng kapulisan na hindi lamang taga-Urdaneta ang kanilang parokyano kundi maging ang mga mula sa kalapit na munisipalidad ay kumukuha sa kanila ng iligal na droga.

Sa inisyal na impormasyon nakalap ng awtoridad mula sa mga suspek galing sa Metro Manila ang kanilang ibinibentang droga pero kung paano ang mode of transaction ay nananatiling tikom ang bibig ng mga suspek at hindi na nagbigay pa ng detalye.

Sa ngayon, hindi pa maistablisa ayon sa hepe kung may grupo ang mga naaresto subalit patuloy pa na iniimbestigahan para mabawasan ang pagpasok ng iligal na droga partikular sa lungsod ng Urdaneta.

P/Lt.Col Vicente Castor Jr., Chief of Police – Urdaneta City PNP

Samantala, nagpapasalamat naman si Castor sa komunidad para sa agarang pagkakaaresto ng mga suspek.

Mensahe naman ng hepe para sa mga nagpaparenta ng bahay na mag-ingat sa pagpili ng mga tao na magrenta dahil baka nagagamit na sa iligal na aktibidad katulad ng nangyaring insidente.

Maliban sa pag-re-report sa barangay dahil sa COVID-19 procedure, kapag mayroon umanong mga baguhan sa lugar ay maari rin itong i-report sa kapulisan upang kung may kahina-hinalang kilos upang agad magawan agad ng kaukulang aksiyon.