DAGUPAN CITY– Pinaulanan ng bala ang bahay ng isang empleyado ng munisipyo sa bayan ng Villasis Pangasinan.

Ayon sa salaysay ni Franco Garcia,may ari ng bahay, residente ng barangay Pias, Villasis, nanonood sila ng telebisyon nang biglang makarinig sila ng sunod sunod na putok ng baril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pumuwesto sa madilim na bahagi ng bukid ang suspek.

--Ads--

Narekober sa bahay ang mga basyo ng calibre 45 na baril.

Samantala, pinaniniwalaang may matinding galit ang suspek kaya nagawa ang pamamaril.

Mayroon nang inimbitahan ang PNP na suspek pero hindi pa ito nasasampahan ng kaso habang nangangalap pa ng mga ebidensya ang mga pulis.