Tumugma ang basyo ng bala na natagpuan sa lugar kung saan pinaslang ang government employee na si Renalin Aquino sa caliber 9mm na service firearm ng kanyang kasintahang suspek na si patrolman Tranquilino Germono sa lungsod ng San Carlos.

Ayon kay Pcol. Redrico Maranan, provincial director sa Pangasinan Police Provincial
Office, ito ay base sa resulta ng ballistic at cross matching examination.

Nasampahan na ng kasong murder si Germono.

--Ads--

Sa ngayon ay nanatili siya sa San Carlos Police station habang hinihintay ang commitment order mula BJMP.

Inilibing na noong July 15 ang mga labi ni Aquino.

Matatandaan na pinaslang mismo ng kasintahan nitong pulis ang 23 anyos na si Aquino empleyado ng Provincial Social Welfare and development Office (PSWDO), na kinalaunan ay napag-alamang nagdadalang tao.