DAGUPAN CITY– Pinaniniwalaang nalason ang tatlong miyembro ng pamilya matapos umanong kumain ng kabote sa Brgy Manlocboc sa bayan ng Aguilar Pangasinan.

Nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang padre de pamilya na si Ferdinand Fernandez at mga anak nitong sina Francine at Francis matapos kumain ng abote na napulot lamang ng nakatatandang Fernandez.

Inihalo umano nila ang kabote sa ibang gulay at matapos kumain nakaranas na ang mga ito ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

--Ads--

Agad naman silang dinala sa pagamutan at ngayon ay nasa maayos ng kalagayan.