DAGUPAN CITY– Dalawang residente mula sa lungsod ng San Carlos na nagtratrabaho sa isang National-Line Agency ng Gobyerno ang nag positibo sa isinagawang Rapid Test.

Ang dalawang PUI probable ay residente ng barangay Matagdem at Barangay Cobol.

Pero nagbigay linaw ang City infomation office na sila ay nagpositibo sa RAPID TEST ngunit hindi ibig sabihin na sila ay positibo na sa Covid19.

--Ads--

Isinasagawa ang confirmatory testing gamit ang RT-PCR test upang malaman kung ang isang indibidwal na nagpositibo sa Rapid Test ay may Covid o wala.

Gayunman, kinakailangan nilang sumailalim sa 14 day quarantine protocol.

Muling nanawagan ang LGU San Carlos sa publiko na makipagtungan sa gobyerno at sumunod sa alituntunin ng batas.

Maging madisiplina at limitahan ang pag labas kung hindi naman importante upang mabawasan ang tiyansa na mahawa sa anumang sakit.