DAGUPAN CITY– Arestado ang 6 na katao kabilang ang isang menor de edad sa isingawang operasyon kontra illegal na droga kung saan nakumpiska ang humigit kumulang P680,000 sa Brgy Wawa Balagtas Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na sina Melissa Interior, Elmer Letigo, France Lui David, Jaypee del Monte, Roy de Jesus at isang lalaking menor de edad na pawang mga residente ng Barangay Wawa.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), bilang lead unit kasama na ang Bulacan Intelligence Branch maging ang Balagtas at Meycauayan PNP.

--Ads--

Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu.
Sa ngayon ang mga suspek at nakakulong na at nahaharap sa kaukulang kaso.