DAGUPAN CITY–Arestado ang anim na katao sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency kontra iligal na droga sa isang hinihinalang drug den sa Brgy Bonuan Boquig Dagupan City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Christine Landingin drug den maintener, Sergio Raguindin , Wendell Dulay, Sergio Casilang, Allan Natividad at Warren Gonzales.

Narekober sa mga suspek ang tinatayang 12 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P81,600, ilang drug pharapernalia at pera sa magkakaibang denominasoyn.

--Ads--

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga nahuling suspek.