DAGUPAN CITY– Nahuli at kinasuhan ang 5 indibidwal sa bayan ng Villasis matapos na maaktuhang hindi sumusunod sa ‘Take out only Policy’ sa mga nagbukas na mga restaurant, karinderya, canteen at iba pang mga kainan sa kanilang nasasakupan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMAJ Fernando Fernandez Jr., hepe ng Villasis PNP, nasampahan na ng kaso ang naturang limang may-ari ng karinderyang paglabag sa ipinapatupad na protocols sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o RA.

Aniya, nadiskubre ang naging paglabag ng mga naturang mga indibidwal matapos magpa-dine-in sa kanilang mga pagmamay-aring kainan ang mga ito kung kaya’t lantaran din ng mga ito na nilabag o hindi sinunod ang mga alituntunin sa ilalim ng pagpapatupad ng General Community Quarantine o GCQ sa probinsiya ng Pangasinan.

--Ads--

Dagdag pa nito na ang mga nabanggit na mga establisyemento ay nahuli sa magkakahiwalay na pagpapatrol ng kanilang hanay sa nasabing bayan.

Kaya naman, muling nagpaalala ang Villasis PNP sa mga nagbukas na mga restaurant, karinderya, canteen at iba pang mga kainan sa kanilang nasasakupan na striktong sumunod sa protocols na ipinatutupad ng kinauukulan upang maiwasan na ang nabanggit na insidente.

PMAJ Fernando Fernandez Jr. COP Villasis PNP