DAGUPAN CITY–Maaaring magsagawa ng face to face learning ang ilang eskwelahan dito sa lungsod ng Dagupan.

Ito ang nabatid mismo mula kay Department of Education (DepEd) Dagupan Superintendent Maria Celia Junio Fernandez, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan.

Paliwanag nito, base sa datos na meron sila at sa kanilang analysis ay may kapasidad ang ilang eskwelahan sa ciudad na magkaroon ng face to face na klase.

--Ads--

Subalit hindi pa rin pwedeng araw-araw ito kayat magkakaroon ng scheduling at kung sakali ay maari itong maging isang beses o dalawang beses sa isang linggo.

Nakikitang halimbawa ang isang island school sa lungsod na mayroong average na isang daan ang estudyante ngunit mayroong maraming buildings at classroom.

Hindi malalabag dito ang mahigpit na iniimplementang patakaran sa Social distancing na may requirement na benteng estudyante sa isang classroom.

Dahil maaari din aniya ang blended learning, ibabase ang kapasidad ng bawat eskwelahan sa siyudad sa ipatutupad na paraan ng pagtuturo.

Department of Education (DepEd) Dagupan Superintendent Maria Celia Junio Fernandez