DAGUPAN CITY– Puspusan ngayon ang ginagawang pagtugis ng mga otoridad sa mga nasa likod ng naitalang robbery-holdup incident sa isang babaeng foreign national sa lungsod ng Urdaneta.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Police Lt/Col. Vicente Castor Jr., Chief of Police ng PNP Urdaneta, na pawang mga gadgets at hindi pa tukoy na halaga ng pera ang nakuha sa foreign national matapos na tangayin ng mga kawatan ang bag nito sa bahagi ng Brgy. San Vicente.

Ayon pa sa Hepe, riding in tandem o nakamotor na may hawak na baril ang mga suspek sa krimen.

--Ads--

Sa ngayon ay patuloy ang pagkuha ng mga karagdagang impormasyon ng PNP sa tulong ng mga kuha ng Closed Circuit Television (CCTV) Cameras malapit sa pinangyarihan ng krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Inihayag naman ni Castor na hindi pisikal na nasaktan ang biktima subalit nababalot parin ng trauma hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, hinikayat naman ng hepe ang mga nakasaksi sa insidente na makipagtulungan sa kanilang hanay para sa mabilis na ikareresolba ng krimen.