Problema sa pag-ibig ang nakikitang sanhi ng pagpapakamatay ng isang 15 anyos na dalagita matapos hindi payagang makipagkita sa kaniyang kasintahan sa barangay Navanluan sa bayan ng Mangaldan.
Ayon kay Pol. Lt. Jun Wacnag, Chief of Police ng Mangaldan PNP, sa kanilang naging panayam sa ina ng biktima ay inihayag nito na pinagalitan niya ang anak at hindi pinayagan na makipagkita sa kaniyang nobyo sa Sto. Tomas La union maglaong napag-alaman na magpinsan ang mga ito at matagal na silang may relasyon.
Ito naman ay nagdulot ng sama ng loob sa dalagita na naging dahilan ng kaniyang pagbibigti.
Natagpuan ang katawan ng biktima na nakabitin gamit ang telephone wire sa bahay ng kaniyang amo kung saan siya ay namamasukan bilang katulong.
Nagpaalala naman ang hepe na huwag gagawin ang pagpapakamatay katulad ng ginawa ng biktima dahil ito ay malaking kasalanan sa Diyos at kung may problema man ay maaari namang sulosyunan o hanapan ng paraan.
Pinayuhan din ang mga magulang na palaging gabayan ang kanilang mga anak upang maiwasan ang kahalintulad na insedente.