DAGUPAN CITY– Generally Peaceful kung maituturing ng mga otoridad ang lalawigan ng Pangasinan simula ng ito’y maisailalim sa General Community Quarantine o GCQ.

Ayon kay P/Capt. Ria Tacderan, Public Information Officer ng Pangasinan PPO, simula May 16 hanggang sa kasalukuyan ay naging maayos at tahimik ang sitwasyon sa buong probinsiya.

Sa katunayan batay sa assessment ni PD P/Col. Redrico Maranan, nasa 85% ang point of compliance ng mga Pangasinense at 15% lamang ang bilang ng mga pasaway na indibidwal na nahuhuli ng kapulisan dahil sa iba’t-ibang uri ng paglabag.

--Ads--

Giit ni Tacderan, kitang-kita din ang malaking pagbaba ng crime volume sa lalawigan bunsod ng matagal na panahon na pamamalagi lamang ng taombayan sa kanilang mga kabahayan.

Halos wala ding naitatala na robbery o nakawan maging ang murder homicide dahil ang mga tao ay hindi na nakikita madalas sa labas na maaaring maging potential target ng mga kawatan.