DAGUPAN CITY– Sumasailalim ngayon sa counseling ang isang 14 anyos na menor de edad matapos umanong pagsamantalahan ng kaniyang tiyuhin sa kanilang mismong tahanan sa bayan ng Vllasis Pangasinan.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng kapulisan, isinasagawa umano ng 38 anyos na suspek ang panghahalay sa pamangkin kapag umaalis ang mga magulang nito at nagpupunta sa bukid.

Apat na beses na umano nitong pinagsamantalahan ang pamangkin mula noong May 9 kahit katabi pa nito ang mga kapatid.

--Ads--

Maaring dahil umano sa takot kaya’t hindi ito makapagsumbong sa kaniyang mga magulang.

Hinihintay ngayon ang resulta ng medico legal examination na isinagawa sa biktima.

Todo tanggi naman ang suspek sa paratang laban sa kaniya at sinabing kinuha lamang nito ang kaniyang cellphone sa biktima.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ito ng kapulisan at nahaharap sa kaukulang kaso.