DAGUPAN CITY– Huwag susukuan ang pangarap.

Ito ang naging payo ni Atty. Cherish Gasmin Rufino, matapos na makapasa sa kakalabas lamang na resulta ng 2019 Bar Exam.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ng bagong abogado na tubong bayan ng Mangaldan Pangasinan na sadyang hindi madali ang pagtahak sa ganitong kurso subalit hindi dapat na sukuan ang pangarap.

--Ads--

Lalo aniya at maraming nangangailangan na makamit ang hustisya.

Bagamat hanggang sa kasalukuyan ay hindi parin makapaniwala sa tagumpay, nagbalik tanaw ito na ang kaniyang pamilya ang nagsilbi nitong inspirasyon upang mapagtagumpayan ang pagkuha ng kursong abogasya hanggang sa pagsabak sa Bar exam.

Atty. Cherish Gasmin Rufino

Kwento pa ni Rufino, noong bata pa lamang ito ay pangarap na niya na maging abogado at siya ang unang abogado sa kanilang pamilya.