Malaki umano ang epekto ng coronavirus disease sa mga nursing homes sa Canada sapagkat marami doon ang naitatalang namatay dahil sa coronavirus disease.
Katunayan, may mga naitatalang ulat na may isang nursing home doon ang nakapagtala ng 9 na taong namatay dahil sa naturang sakit.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marjorie Rosales na isang health worker sa Alberta, Canada nabanggit nito na dahil karamihan sa mga andoon ay mga matatanda at may underlying condition kaya mas prone daw ang mga ito sa naturang sakit.
--Ads--
Kaugnay pa nito ay marami ang nalulungkot dahil limitado na ang pagbisita ng ilan ang kanilang mga kaanak na nasa ospital dahil sa pinaiksing visiting hours na ipinapatupad doon.