DAGUPAN CITY–Muling nanawagan si Dagupan City Mayor Mark Brian Lim sa publiko na maging kalmado at manatili lamang sa loob ng kanilang tahanan sa lahat ng oras dahil ito ang nakikita niyang pinakamabisang sandata laban sa covid-19.

Giit niya na walang magandang dulot ng pagpapanic.

Tiniyak naman ni Lim na kahit nasa ilalim ang ciudad sa extreme enhance community quarantine, at kahit pa maglock down ang ciudad ay magkakaroon pa rin tayo ng access sa mga bilihan ng pagkain dahil manana tiling bukas ang public market at supermarket.

--Ads--

Nauna rito kinumpima ni Mayor Lim na mayroon nang naitalang apat na kumpirmadong nagpositibo sa Corona Virus disease sa lungsod .

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Lim na batay sa ulat ng Department of Health, ang apat na ito ay dati nang tinaguriang mga Patients under investigation o PUI .
Ayon sa isinagawang test ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM kumpirmadng positibo sila sa covid 19 virus.

Ang dalawa sa kanila ay nasa kalagitnaan ng kanilang self imposed quarantine sa kanilang tahanan sa barangay Pogo Chico.

Dahil dito, ipinag utos na niya ang total lockdown sa nasabing barangay.

Nangangahulugan na mahigpit nang ipinagbabawal sa sinuman ang lumabas at pumasok sa nasabing barangay alinsunod sa regulasyon at direktiba ng DOH.

Sa kabilang dako ang dalawa pang positibong pasyente na mula sa barangay Lucao at Bonuan Gueset ay ilang araw nang naka isolate sa pasilidad ng Region I Medical Center.

Hindi naman umano grabe ang kalagayan ng apat.

Tukoy naman ang pagkakakilanlan ng apat kaya hindi na sila mahihirapan sa contact tracing.

Pinapayuhan ang mga taong nakasalamuha ng mga ito na mag self imposed 14 days quarantine.

Samantala, kahit may nagpositibo na sa covid-19 dito sa lungsod, nanawagan si Lim sa publiko na tratuhin pa rin sila bilang tao at iwasan na magpahayag ng negatibo laban sa mga ito.