Umakyat na sa 13 ang kumpirmadong kaso ng covid-19 dito sa lalawigan ng Pangasinan kung saan apat na ang nasawi at siyam na ang nananatili sa ospital.
Base sa monitoring report ng Pangasinan provincial government, ang bilang ng Patient Under Investigation (PUI) ay sumampa na sa 49.
Labing walo ang nasa ospital tatlo na ang namatay at 28 ay nakalabas na sa pagamutan.
--Ads--
Umaabot naman sa 77,003 ang Person Under Monitoring (PUM) kung saan ang kasalukuyang sumasailalim sa 14 Days Quarantine ay nasa 45,624.
Nasa 31,252 naman ang nakakumpleto na ng quarantine at 127 ang hindi nakakumpleto nito.