DAGUPAN CITY– Naniniwala si Pangasinan Governor Amado Pogi Espino III na ang pagsunod sa mga inihaing alintuntunin ang solusyon upang mawakasan ang lumalalang problema sa coronavirus o Covid 19.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa Governor Amado “Pogi” Espino III, nanawagan ito sa lahat na sumunod sa mga panukala ng pamahalaan partikular na ng mga eksperto sa pangkalusugan upang hindi na lumala pa ang problema sa naturang sakit.

Dagdag pa ng ama ng probinsiya na maingat na sundin ang social distancing, paggamit ng mga protective gear kapag lumalabas at kung hindi naman umano kinakailangang lumabas ay manatili na lang sa kani-kanilang tahanan.

--Ads--

Giit pa nito na kahit gaano pa man paigtingin ng National Government at ng lokal na pamahalaan ang seguridad at kaligtasan ng kanilang nasasakupan sa mga isinasagawang checkpoints, ay wala itong saysay kung hindi makikipagtulungan ang publiko .