DAGUPAN CITY– Hinihiling ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa Kagawarang Pangkalasugan na mabigyan ang probinsiya ng test kits para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Governor Amado “Pogi” Espino III, inamin nito na walang kakayahan ang lalawigan upang agarang malaman kung ang mga Patients Under Investigation (PUI) ay positibo sa nakamamatay na sakit at nang maagapan na umano sana ang pagkalat nito lalo pa’t nasa higit tatlong milyon ang populasyon ng probinsiya.

Dagdag pa ng Gobernador na mas mapapadali ang kanilang trabaho kung may mga kaukulang gamit para mapadali ang pagtukoy sa mga taong infected ng sakit.

--Ads--

Kaya naman, bagamat may pagdadalawang isip ay kinukunsidera na nila ang pagkuha o paggamit ng ibang kagamitan upang maisailalim agad ang mga pasyenteng nagpapakita ng anumang sintomas ng Covid-19.

Mas mainam pa rin umanong malaman agad kung carrier ba ng virus ang isang pasyente.