Tatlo pa ang nadagdag na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Dahil dito, umabot na sa apat ang kabuoang kumpirmadong kaso ng covid 19 dito sa lalawigan kung saan dalawa rito ay namatay na.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo radyo Dagupan, sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Ana Marie de Guzman, na ang nadagdag na kaso ay ang nasawing 58 anyos na balikbayang babae sa bayan ng Rosales at ang dalawa sa barangay Bolaoit at Nalsian sa bayan ng Malasiqui.

--Ads--

Sa barangay Nalsian, nagpositibo ang 54 anyos na nurse ng doktor sa bayan ng Bayambang na namatay dahil sa covid 19 at isa ay ang 70 anyos namang lalaki na nanggaling sa Pasig .

Nagpapagaling na ngayon ang dalawa sa Pangasinan provincial Hospital sa lungasod ng San Caarlos.