DAGUPAN CITY–Posibleng umabot pa sa 6,000 baboy sa loob lamang ng buwang kasalukuyan ang bilang ng mga kinakailangang isailalim sa culling operation o papatayin dahil sa patuloy na pagkalat ng African Swine Fever sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Dr. Jovito Tabarejos, OIC ng Provincial Veterinary Office, na kahapon lamang ay mayroon ng aabot sa 5,581 na mga baboy na isinailalim sa culling ngunit may mga ginagawa pang culling operation kaya posibleng umabot pa ito sa animnalibo.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 17 affected municipalities at karamihan dito ay nasa central Pangasinan kasali na rito ang naunang naitala noong nakaraang taon ang bayan ng Mapandan at Bayambang.

--Ads--

Kabilang pa sa mga affected municipalities ay ang Sual, Aguilar, Lingayen, Binmaley, Basista, Bugallon, Labrador, Mangatarem, Dagupan, Mangaldan, Urdaneta, Asingan at sa kabuuan ng ikatlong distrito ng Pangasinan.