Masayang ibinalita ni Dr. Valeriano Jesus Lopez, Regional Director ng DOH Region 1 na ang limang indibidwal na nasa kategorya ng Person Under Investigation o PUI na mula sa mga bansang Taiwan, Beijing, Hongkong, at China ay nag negatibo sa corona virus at ngayo’y na discharged na sa ospital.

Ayon kay Lopez, mayroon pa din silang mga minomonitor ngunit pagtitiyak nito na wala pang kumpirmadong kaso ng corona virus hanggang sa ngayon dito sa buong Region 1 dahilan upang huwag aniyang mangamba ang publiko.

Sa ngayon, mas pinaigting na information dissemination ang kanilang isinasagawa upang mapaalalahanan ang publiko sa mga bagay na dapat nilang gawin at iwasan.

--Ads--

Mas pinalakas din na koordinasyon sa bawat LGU’s ang kanilang ginagawa upang mabilis na maipaabot ang bawat pangyayari sa kanilang nasasakupan.

Giit ng opisyal na araw-araw ang pagmomonitor nila sa bawat pasilidad lalo na ang isolation room ng mga ospital upang matiyak na kung sakali mang mayroong mangailangan, hindi na magkakaroon ng aberya.

Payo ng kanilang tanggapan na dapat ugaliing i-practice ng taombayan ang pagkakaroon ng proper hygiene upang makaiwas sa anumang uri ng sakit at matutong sumunod sa mga ipinag uutos ng mga kinauukulan.