DAGUPAN CITY–Nagbabala si Office the Civil Defense o OCD Region I Director Melchito Castro sa mga residente ng lalawigan ng Pangasinan sa banta ng mga landslide at flashfloods dulot ng bagyong Tisoy.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Castro sinabi nito na dahil ang Pangasinan ang pinakamalapit sa Southern Luzon na siyang pinakaapektado ng bagyo ay posibleng makaranas ang probinsiya ng malalakas na pag-ulan at hangin.

Bagamat hindi nararamdaman ang epekto sa ngayon ng sama ng panahon ay hindi aniya dapat magpakampante ang mga residente ng lalawigan.

--Ads--
Office the Civil Defense o OCD Region I Director Melchito Castro

Kailangan pa rin aniyang maging handa at alerto dahil may kalakasan din ang sama ng panahon.

Sa loob kasi aniya ng 24 hours matapos maisailalim sa signal number 2 ang lalawigan ay maaring maramdaman ang epekto ng bagyo.