Nagpasa ng resulosyon ang Barangay Council ng Brgy Tapuac Dagupan City para ideklarang adopted son ng kanilang barangay ang Criminology student na sinalo ang kapwa nito estudyante na nagtangkang magpakamatay matapos tumalon sa 5th Floor na gusali sa pinapasukan nilang Unibersidad dito sa lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Brgy Kgwd Rhino Soriano, sinabi nitong nagpasa sila ng resulosyon na naprubahan ng boung barangay council para ideklarang adopted son ng kanilang barangay ang estudyanteng si Mart Stephen Navarro ng Brgy Ambuetel Calasiao Pangasinan.

Bibigyan din umano nila ito ng award na magaganap sa December 7 kasabay ng kanilang Barangay Fiesta.

--Ads--

Una rito ay naiulat din sa bombo radyo na ideneklarang adopted son ng lungsod si Navarro.

Matatandaan na noong Nobyembre 10, tumalon ang 17 anyos na Grade 12 mula sa 5th floor ng isang unibersidad dito sa lungsod.

Nang namataan daw ni Navarro ang biktima ay naisip niya agad na ito ay saluhin.