Emergency Teams at Drills sa mga malls, isinusulong ng BFP Urdaneta.

87

Dagupan–Isinusulong ngayon ng Bureau of Fire Protection ang pagkakaroon ng Organized Emergency Team sa mga malalaking mall sa lungsod gayundin ang pagsasagawa ng mga regular fire drills.

Ito umano ay paraan bilang pag-iwas sa sunog at pangangalaga din ng mga buhay ng mga bisita at mga empleyado ng malalaking establisyimento. Ito ang inilahad ni Fire Chief Inspector Georgian Pascua, city Fire Marshall ng nasabing lungsod sa isang esklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan. Kanya ding hinayag ang mataas na bilang ng mga business establishments na kailangang suriin at inspeksyunin.

Sa kabuuang 5,000 establisyimentong pangkalakalan 400 dito ay nangangailangan pang inspeksyunin upang maisyuhan ng fire safety inspection permit.

--Ads--

Obligado daw umano ang mga malls na magkaroon ng mga emergency teams upang maisyuhan muli ng Fire Safety Inspection Permit. Bagamat wala pa naman daw umanong kaso na FOR CLOSURE ngunit marami ang nakiraan ng kakulangan ng fire fighting equipments tulad ng fire extinguishers, fire alarm, smoke detectors, sprinkler systems at stand pipe systems.