90 percent nang  handa ang national karatedo team na kinabibilangan ng tatlong atleta  mula sa lungsod ng Dagupan na sasabak sa SEA games,

sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay  Richard Lim, presidente ng Karate Pilipinas  at competiton manager  ng Organizing committee ng Sea games, sinabi nito na todo ensayo ang mga Pinoy at nagsanay pa sa ibang bansa.

Sina John Enrico Vasquez, Mark Andrew Manantan at Jayson Ramil Macaalay, pawang mga DagupeƱo ay determinadong makakuha ng gintong medalya sa SEA games sa larangan ng karate.

--Ads--

Sinabi ni Lim na  kagagaling mula sa pagsasanay ng dalawang buwan sa Japan  nina  Vasquez at  Manantan habang  pabalik ng Maynila sa darating na Oktubre 30  si  Macaalay kasama ang iba pang team na nagsanay rin sa Istanbul Turkey sa loob ng dalawang buwan.

Samantala, naniniwala si Lim na malaki rin ang tsansa ng mga Pinoy na makapasok sa Tokyo Olympics.

Sinabi ni Lim na pagkatapos ng  sea games, papunta naman  sila sa Olympics.

Target nilang makuha ang tamang exposure para mapabilang sa olympics.

Nabatid  na  noong atleta pa si Lim, naging gold medalist rin ito noong 1989 at 1991 SEA games at  nanalo rin siya sa 1994 Asian games.