Patay ang isang 64 anyos na lola matapos itong masagasahan habang patawid sa bayan ng Lingayen.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktimang si Demetria Guillermo matapos itong masalpok ng isang motorsiklo sa bahagi ng Maramba Blvd., sa nasabing bayan.


Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktima matapos ang aksidente.
Nabatid na patungo sana sa isang religious activity sa kanilang lugar ang biktima subalit sa kasamaang palad ay nabangga ito.

--Ads--


Samantala, nagpapagaling sa pagamutan ang driver ng motorsiklo matapos magtamo din ng sugat dahil sa aksidente habang inihahanda ang kasong posible nitong kaharapin.