DAGUPAN CITY– Posibleng maharap sa patong patong na kaso ang barangay kagawad na kumalat ang kuhang video sa loob ng sabungan na nagawa pang magtanggal ng kaniyang damit at nagsayaw ng nakahubad sa bayan ng Calasiao Pangasinan.

Maaring maharap si Brgy Poblacion West Brgy Kagawad Eduardo Laforteza sa Paglabag sa Republic Act No. 6713 o mas kilala sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil sa ginawa nitong pagsasabong habang paglabag sa Conduct unbecoming an Official dahil sa ginawa nitong paghubad.

Ngunit base umano sa sinusunod na batas ayon sa Calasiao Municial Local Government Operation na “no complain no case ang mangyayari kung saan kung walang nagreklamo ay hindi masasampahan ng kaso ang naturang opisyal.

--Ads--

Nauna rito kumalat ang kuhang video ni Laforteza habang nasa loob ng sabungan kung saan makikita na bago ilaban ang hawak nitong manok ay kaniya pa itong hinalikan.

Matapos nito ay isa-isa nang hinubad ng naturang barangay kagawad ang suot na sapatos, damit maging ang kaniyang pantalon saka nagsayaw-sayaw.

Ginawa umano nito ang naturang hakbang upang makontra ang umanoy malas dahil 2 manok nito na naunang inilaban ay natalo.

Napag-alaman na nasa impluwensiya ng alak si Laforteza nang mangyari ang insedente.