DAGUPAN CITY–Tiniyak ng PNP Region I na magsasampa sila ng kaso sa lalong madaling panahon sa mga nasa likod ng pananambang kay dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr sa Brgy Magtaking San Carlos City na ikinasawi ng bodyguard at driver nito.

Sa ekslusibong panayam ng kay Lt. Col. Mary Crystal Peralta, Public Information Officer ng PNP Region I bagamat wala silang sinusunod na time frame inihayag nito na sa lalong madaling panahon ay positibo silang masasampahan nila ng kaso ang mga may kagagawan sa insedente.

Aniya may mga leads na silang tinutumbok bilang mga person of interest .

--Ads--

Kinukumpleto na aniya nila ang mga nakalap nilang ibedensiya para mas maging credible ang isinagawa nilang imbestigasyon.

Natutuwa umano sila sa mabilis na proseso ng isinasagawang imbestigasyon ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa lalawigan at rehiyon sa pamamagitan na rin ng binuong SITG.

Naniniwala naman si Peralta na mas mapapabilis pa ang imbestigasyon kapag nakipagtulungan ang publiko lalo na ang mga nakasaksi sa insedente.

Bunsod nito muling nanawagan si Peralta sa mga nakasaksi sa krimen na makipagtulungan sila sabay tiyak sa kanilang kaligtasan.

Matatandaan na nagpasa ng resulosyon ang Sangguniang Panlalawigan kaugnay sa pagbibigay ng 1M sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek sa insedente.

Ayon naman kay PNP Regional Director, Police Brigadier General Joel Sabio Orduña magiging malaking tulong ang naturang pabuya para maresolba ang ginawang pananambang na ikinasugat ng dating ama ng probinsiya at 2 iba pa na ikinasawi naman ng driver nitong si Agapito Cuison at bodyguard na si Staff Sgt. Richard Esguerra.