Naglabas ng resulosyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan kaugnay sa pagbibigay ng pabuya sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek sa pananambang sa convoy ni Dating Governor Amado Espino Jr sa Brgy Magtaking San Carlos City na ikinasawi ng driver at bodyguard nito.

Kasabay ng kanilang Sangguniang Panlalawigan Session ngayong araw, napagkasunduan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang paglalabas ng resulosyon kaugnay sa pag-alok ng 1 milyong pabuya sa makapagtuturo sa mga suspek sa insedente.

Nagpahayag din ng pagkondena ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pananambang sa dating ama ng probinsiya.

--Ads--

Matatandaan na sakay si Espino ng Toyota Land Cruiser kasama ang kanyang driver na si Agapito Cuison at Jayson Malsi habang ang kanyang back-up security ay sakay naman ng black Toyota Innova na minamaneho ni Anthony Columbino at kasama sina Police Staff Sgt Richard Esguerra at Kervin Marfori at patungo sanang Brgy. Ilang, nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na armado ng mga mahahabang armas.

Agad na nasawi ang bodyguard na si Esguerra habang si Cuison, ang driver na nakapagtakbo sa dating Kongresista sa pagamutan ay binawian din ng buhay.