Emusyonal na dumulog at humingi ng tulong ang anak ng isang nakulong sa New Bilibid Prison na namatay sa loob nito noon lamang buwan ng Agosto.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Czarina Tacaca ng Laoac Pangasinan emosyunal nitong ikinuwento ang nangyari sa kaniyang ama na si Renato Tacaca , Marso nang dalhin ito sa NBP galing sa BJMP Urdaneta dahil sa kaso nitong Homiscide.

Tatlong buwan umano nito sa Bilibid nang ilipat sa Medium Security Compound at doon na nagsimula na mahirapan silang dalhan ito ng gamot nito bilang maintenance sa sakit sa puso.

--Ads--

Ilang beses umano nilang tinangka na dalhan ito ng gamot ngunit hindi pinapahintulutan ng mga jailguards doon.

Ang Palagi umanong sinasabi sakanila ay dapat may maipakita munang request mula sa loob ng bilibid na kailangan nito ng gamot.

Ngunit wala naman aniyang resident doctor sa loob ng NBP na tumingin sa ama niya.

Isa pa aniyang ikinasasama ng loob nila, kung wala pang dalaw na nagmagandang loob na magpadala ng mensahe sa kanila sa kalagayan ng tatay niya ay hindi pa nila ito malalaman.

Matapos ang ilang Linggong pagdadala nila ng gamot para sa ama na hindi pinahintulutan ay binawian ito ng buhay.

Buti na rin aniya at nagpunta sila sa Bilibid para sana dalawin ang ama dahil kung hindi baka matagal na itong patay ay hindi pa umaabot sa kanila ang balita.

Nagpadala umano ng sulat ang NBP na patay na ang ama na ginawa lang noong August 10 ngunit August 4 pa ito nasawi.