Normal pa rin ang situwasyon ng Marusay River sa bayan ng Calasiao  sa kabila ng naranasang pag-ulan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay John Domagas, duty officer ng Municipal Disaster Risk Reduction Management office sa bayan ng Calasiao, base sa kanilang monitoring, nasa 5. 9 ft  above normal level  ang Marusay River. Ito ay malayo pa sa critical level na nasa 7 ft.

Wala pang  nabahang barangay maliban lamang  sa mga mabababang lugar na malapit sa ilog.

--Ads--

Sa ngayon ay wala pa ring residenteng lumikas sa kanilang lugar.

Inabisuhan naman ang mga residente na malapit ang bahay sa ilog na maging alerto sa dagliang pagbaha