Mahigpit na minomonitor ngayon ng Office of the Civil Defense o OCD Region I ang lalawigan ng La Union at Pangasinan dahil sa epekto ng Habagat .

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Office of the Civil Defense o OCD Region I Director Melchito Castro dahil sa nararanasan malakas na pag ulan sa dalawang lalawigan simula pa sa nakalipas na araw, binabantayan nila ang mga ito ngayon dahil na rin sa mga pagbaha.

Sa San Fernando City La Union aniya ay nakakaranas ng pagbaha bagamat humuhupa naman kapag tumigil ang pag-ulan.

--Ads--

Pinaaalalahanan naman nito ang mga Pangasinense sa mg pagbaha lalo na at nagsisilbing catch basin ang probinsiya.

Mahigpit din aniya ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa Disaster Risk Reduction Managemeng Office ng dalawang lalawigan upang mamonitor ang kalagayan ng mga residente.

Sa Ilocos Norte naman aniya ay hindi gaanong ramdam ang epekto ng Habagat maging sa lungsod ng Baguio.

Pinayuhan naman nito ang publiko na bagamat maayos ang kalagayan sa City of Pines ay mas mainam na iwasan muna ang umakyat doon para maiwasan ang anumang insedente.

Samantala pinaalalahanan naman nito ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil sa umiiral na gail warning.