Umaabot na sa halos P5 milyong piso ang naitalang pinsala sa mga palayan sa lalawigan ng Pampanga dahil sa mga pagbaha at pag-ulan na dulot ng magkakasunod na sama ng panahon na tumama sa bansa.

Ang mga naapektuhang bayan ay mula sa bayan ng Magalang at Candaba na nakapagtala na ng pinsala na umaabot sa P4, 392,399.

Sa ngayon ay nakakaranas pa rin ng pagbaha ang nasa 28 barangay doon na nagmumula sa bayan ng Macabebe, Apalit , San Simon, Masantol at Candaba.

--Ads--

Hindi pa rin madaanan hanggang sa ngayon ng ilang uri ng sasakyan ang tatlong kakalsadahan sa lalawigan .

Tanging mga light vehicles lamang ang pinapahintulutang makadaan sa Sto Nino Road at Kalsadang Bayu sa bayan ng Masantol habang hindi maaring dumaan ang mga heavy vehicles sa Mancatian Bridge sa bayan ng Porac.