Dagupan City – Sorpresang isinailalim sa monitoring ng DENR-EMB Region 1 ang solid waste management practices ng LGU Mangaldan at ilang paaralan noong Setyembre 29 at 30, 2026.
Sinuri ang Transfer Facility at Agro-Waste Treatment Facility sa Barangay Banaoang, kabilang ang pangangasiwa sa basura mula sa palengke, business establishments at mga barangay, gayundin ang pagproseso ng biodegradable waste bilang organic fertilizer.
Isinagawa rin ang inspeksyon sa health facilities, Public Market, Lanas Elementary School at Mangaldan National High School para sa waste segregation, recycling, composting, medical waste management at Zero Plastic Policy.
Sa exit conference, tinalakay ang resulta ng monitoring at mga rekomendasyon para mapahusay ang 10-Year Solid Waste Management Plan ng LGU.
Ayon sa DENR-EMB, compliant ang LGU Mangaldan sa 10 sinuring area o indicators, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.










