Ipinagbabawal na ang kahit anumang uri ng sugal sa mga lamay sa bayan ng Villasis.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay P/Maj. Fernando Fernandez Jr., hepe ng Villasis PNP, kinumpirma nito na nagpalabas sila ng memorandum order na nakapetsang July 30, 2019 para sa mga barangay officials para ipaalam na bawal ang illegal gambling maging sa mga lamay sa kanilang bayan.

Napansin kasi aniya nito na hindi ang pakikiramay ang intensyon ng mga pumupunta sa lamay kundi ang makipagsugal. Kaya sila nagdesisyon na bigyang-diin ang nasabing isyu alinsunod na rin sa Presidential Decree No. 1602 na may kaugnayan sa illegal gambling.

--Ads--

Ayon sa hepe, maikukonsidera na sugal ang anumang bagay o laro na pinagpustahan o ginamitan ng pera kabilang na ang card games, kara krus at iba pa.

Sinabi naman ni Fernandez na dudulog sila Sangguniang Bayan upang mapag-aralan ang maaaring ordinansang gawin para maging legal ang sugal sa mga lamay. with reports from Bombo Badz Agtalao