Abangan na lamang ang mga sasabihin at nilalaman ng talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-apat na State of the Nation Address nito sa Lunes, July 22,2019.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay National Security Adviser Gen. Hermogenes Esperon Jr., inihayag nito na may mga bagong sasabihin ang Pangulo sa kanyang SONA at tiyak na marami ang magugulat.

voice of Gen. Esperon

Ayon naman kay Esperon, nasa mahigit limang libong pulis ang idedeploy para sa seguridad ng Pangulo sa Lunes at mayroon pang mga reserve na armed forces kung kinakailangan.

--Ads--

Dagdag pa ni Esperon, wala silang nakikitang problema at malaya ang mga grupo na magsagawa ng kilos protesta sa araw ng SONA ng Pangulo.

voice of Gen. Esperon

Una nang sinabi ni PNP Chief PGen. Oscar Albayalde na itataas na ng PNP ang full alert status sa buong bansa simula Sabado ng umaga bilang paghahanda sa ika-apat na SONA ng Pangulong Duterte.