DAGUPAN CITY — Patay ang dalawang magkaibigan matapos na tangayin ng malakas na alon sa dagat sa Iba, Zambales .

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan nagkayayaang mag-inuman at magtampisaw ang tatlong magkakaibigan sa dalampasigan sa kasagsagan ng Bagyong Falcon.

Kinilala ang unang nasawi na si Marisol Dagohoy na naisugod pa sa ospital ngunit idineklarang dead-on arrival.

--Ads--

Nawala naman ng halos 24 oras si Alison Testimio bago matagpuan ang katawan nito.

Nakaligtas naman ang kaibigan ng dalawa na nakilalang si Ayra Saytono.