DAGUPAN CITY– Nakahanda na ang isang milyong piso bilang papremyo sa ginanap na Grand Draw ng promong Buena Mano Salvo Year ’14 ng Bombo Radyo at Star FM.


Tatanggapin ng isang helper sa canteen na si Irene Cancino, 43-anyos, tubong Otso De Mayo Basista, Pangasinan, ang isang milyong piso nitong papremyo ngayong umaga na siya ring magiging ika-70 milyonaryo ng Bombo Radyo Philippines.


Gumamit ito ng Scratch it Card bilang kanyang proof of purchase.

--Ads--


Ilalaan umano nito ang napanalunang P1-milyon sa pagpapaaral sa dalawa nitong anak na nasa kolehiyo.


Itatago rin daw nito sa bangko ang ilang bahagi ng mapapanalunan para mayroong magagamit kung kinakailangan sa mga susunod na panahon.