DAGUPAN CITY– Umaasa si newly elected Dagupan City Mayor Mark Brian Lim na magkakaroon ng maayos na samahan sa pagitan niya at lahat ng government officials sa loob ng tatlong taon na panunungkulan.

Sa kanyang talumpati sa flag raising ceremony sa Dagupan City People’s Astrodome, sinabi ni Lim mapa-Mayor man yan, Vice Mayor o sinumang empleyado ng gobyerno, may mga bagay aniya na kayang gawin ng isa na hindi naman kaya ng iba. Kaya tiwala ito na kapag nagkaroon ng pagkakaisa ay magiging matagumpay ang tungkulin ng bawat isa.

Inihalimbawa pa nito ang kumpanyang Google kung saan naglalabas pa ito ng malaking halaga ng pera upang malaman kung ano ang magandang paraan para makabuo ng mahusay na grupo ng empleyado.

--Ads--

Ayon kay Lim, isa sa secret ingredient para makabuo ng mahusay na team ang ‘sensitivity’. Dapat ay pagtutuunan ng pansin ng bawat empleyado ang kanilang trabaho na walang hinihintay na pagkilala o papuri.

Samantala, naappoint bilang bagong City Administrator si Vladimir Mata na pinalitan si Atty. Farah Decano habang mayroon na ring baging POSO Chief sa katauhan ni Rob Erfe Mejia.

Naitalaga naman bilang bagong Chief Information Officer si Gabriel Cardinoza na Correspondent ng Philippine Daily Inquirer.