DAGUPAN CITY– Patay ang dalawang hinihinalang drug suspek matapos mapatay sa magkahiwalay na operasyon ng kapulisan sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Michael Pasumala, residente ng Barangay San Josef Norte, at Elvis Encarnacion, na residente ng Barangay Sta. Arcadia.

Ayon sa kapulisan ang dalawa ay nasawi matapos mauwi sa shootout ang isinagawang operasyon laban sa kanila.

--Ads--

Nakumpiska naman ang di pa natutukoy na uri ng baril sa dalawang suspek at kabuuang 11 sachet ng hinihinalang shabu.