DAGUPAN CITY– Arestado sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal na droga ang isang estudyante at isang out of school youth sa bayan ng Tayug Pangasinan.

Naaresto ang suspek na si Steden Lumdang , 21 anyos estudyante na residente ng Asin Road Baguio City.

Nakuha sa pangangalaga nito ang isang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at P200 marked money.

--Ads--

Naaresto rin sa hiwalay na operasyon ang isang 18 anyos na out of school youth na kinilalang si Jimme Cabanada, 18 anyos.

Nakuha sa pangangalaga nito ang apat na sachet ng hinihinalang marijuana at isang hand grenade.

Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang mga nabanggit na suspek.