DAGUPAN CITY–Nahaharap sa kasong frustrated homiscide ang isang 53 anyos na lalaki matapos nitong saksakin ang kanyang kinakasama sa bayan ng Rosales Pangasinan.

Ang biktima ay kinilalang si Josephine Castillo habang ang suspek ay kinilalang si Eduardo Dacanay, 53 anyos, isang dispatcher at kapwa mga residente sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na bago ang insidente, nagkaroon ng palitan ng mga nakakainsultong salita ang dalawa hanggang sa napikon ang suspek at dito na nito sinaksak ang biktima.

--Ads--

Agad naman itong dinala sa Rosales Infirmary Unit at inilipat sa Eastern Pangasinan District Hospital para malapatan ng lunas.

Samantala naaresto naman ang suspek subalit hindi na narecover ang armas na kanyang ginamit.