Patay ang isang sundalo mula sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan matapos maaksidente sa sinalihang motorcycle racing competition sa Lipa, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Staff Sgt. Al Tolentino, tubong Mangatarem at professional rider na nagkampeon na rin sa racing competition sa Clark at Batangas.

Bilang kinatawan ng K58 riders, sumali muli si Tolentino sa Racing competition.

--Ads--

Ayon sa imbestigasyon, nakabangaan ni Tolentino ang isa pang racer. Nakatalon ang nakabanggaang racer habang naipit naman si Tolentino na napagitnaan ng dalawang motorsiklo.

Samantala, bago ang kompetisyon, tila nakaramdam na ang ilang kaanak ng pangitain sa facebook post ni Tolentino.

Sa kanyang post kapag siya ay namatay, gusto niyang ma- icremate at ang abo nito ay hiling niyang isaboy sa highway.

Samantala, hinihintay pa rin ang pagdating ng mga labi ng nasawing sundalo sa bayan ng Mangatarem.