Nanindigan si PLt./COL. Norman Florentino, Chief of Police Community Relation Branch ng Pangasinan PPO na magpapatuloy ang kanilang ginagawang internal cleansing sa hanay ng kapulisan dito sa probinsya.

Ito mismo ang binigyang diin ng opisyal kasunod ng mahigpit na pagpapatupad nila ng mga batas dito sa lalawigan.

Ayon kay Florentino, bukod sa peace and order, kailangan din umanong matutukan ng husto ang mga pulis na tumatayong mga alagad ng batas.
Ipapatupad umano nito ang regular random drug test sa lahat ng mga kapulisan upang masiguro na ang mga ito ay hindi gumagamit ng illegal na droga.

--Ads--

Dagdag pa ng opisyal, mahigpit din ang kanilang ginagawang monitoring at inspeksyon sa lahat ng mga pulis na lumalabag sa kanilang mga rules and regulations lalo na sa mga lugar na ipinagbabawal puntahan ng isang unipormadong opisyal tulad na lamang sa mga sabungan, beerhouse at casino.

Bilang parte din aniya ng kanilang internal cleansing, nagsasagawa din sila ng seminar o mas kilala sa tawag na model training sa mga pulis na mayroong mga kaso bago sila ibalik sa kanilang mga designated stations.