DAGUPAN CITY–Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa salpukan ng garong at truck sa bayan ng Manaoag Pangasinan.
Sa impormasyon mula sa pulisya, nagkanda pira-piraso ang sidecar ng garong sa lakas ng impact matapos sumalpok sa isang 12-wheeler truck.
Resulta nito ang pagkamatay ng pasahero nitong si Manny Villarante habang sugatan ang driver nito na si Ryan Roxas at angkas na si Jondi Manalon.
--Ads--
Ayon sa PNP, normal lang ang patakbo ng truck ngunit matulin ang kasalubong na garong na naging dahilan ng head on collision.
Napag-alaman na patungo sana sa bayan ng San Jacinto ang garong ngunit bago umalis ay nag-inuman muna ang mga biktima.
Ang garong ay ginagamit na sasakyan sa pagbiyahe ng mga alagang hayop.