Tiniyak ng PNP Region 1 na manatiling apolitical o walang kinikilingang mga pulitiko ang hanay ng kapulisan kahit pa tapos na ang halalan.

Ito’y sa kabila na rin ng mga umuugong na balita kung saan posible umanong mapalitan ang mga hepe ng PNP sa ilang Municipal Police Station lalo na’t may kakayahan ang mga Mayor o alkalde na pumili ng bagong chief of police na makakasangga o magiging kakampi nila sa pagbibigay serbisyo.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Regional Office 1 Information Officer P/Lt. Col. Mary Crystal B. Peralta inihayag nito na bagama’t maaaring humiling ang mga nanalong alkalde ng bago nilang hepe, ay hindi umano ito magiging madali. Aniya, dadaan pa kasi ito sa mahabang proseso kung saan kinakailangan pang mag-request ng naturang kandidato sa Regional head quarters ng Philippine National Police.

--Ads--

Ang PNP lamang din umano ang magbibigay ng rekomendasyon kung saan, nasa tatlo hanggang limang hepe ang pweding pagpilian ng naturang pulitiko.

Samantala, tiniyak ni Peralta na mananatiling “apolitical” at “non-partisan” ang hanay ng PNP at sisiguraduhin din umanong walang kikilingang partido ang pambansang pulisya.//with report from Bombo Badz Agtalao