Ihahatid na sa kaniyang huling hantungan mamayang hapon ang abogado na pinagbabaril sa labas ng justice hall dito sa lungsod ng Dagupan noong nakaraang Linggo.


Alas dos mamayang hapon ililibing ang biktimang si Atty. Val Crisostomo sa Paradise Memorial Garden, Pugaro, Manaoag.

Magkakaroon muna ng misa sa Our Lady of Manaoag Church bago ito ihatid sa kaniyang huling hantungan.

--Ads--


Hanggang sa ngayon ay hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng nasa likod ng pamamaril sa biktima.
Hustisya naman ang hiling ng mga kaanak ng biktima.
Kung matatandaan katatapos lamang ng dinaluhang hearing ng abogado na may kaugnayan sa illegal gambiling nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng suspek na sakay ng motosiklo.


Tinamaan ito ng tama partikular sa kaniyang ulo na sanhi ng agaran nitong kamatayan.