Inilarawan ni Incoming Alaminos Mayor Arth Bryan Celeste ang kaniyang nararamdaman matapos mahalal bilang bagong Alkalde ng lungsod ng Alaminos matapos nitong manalo sa nakalipas na midterm elections.

Nabatid na si Celeste ang pinakabatang Alkalde sa lalawigan ng Pangasinan at boung bansa sa edad na 22.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag nito na kabilang sa mga pagtutuunan nito ng pansin ang turismo at sector ng agrikultura lalo at ito aniya ang bumubuhay sa kanilang lungsod.

--Ads--

Bukod dito ay nais din ni Celeste na isulong ng empowerment sa mga kabataan.

Samantala, bagamat may mga turo din ang ama, tiniyak nitong hindi ang ama nito na si outgoing Mayor Arthur Celeste ang mamumuno parin sa kanilang lungsod para sa kaniya.

Matatandaan na ang nakatatandang Celeste ay natalo sa governatorial race sa pagitan nila ni Incumbent Pangasinan Gov. Amado ‘Pogi’ Espino III.